Mga Kasalanan ni UPLB Chancellor Rey Velasco

Posted on April 2, 2010

2


MGA KASALANAN NI CHANCELLOR LUIS REY VELASCO

Matapos ipagwagi ng No to Third Term Coalition (NTTC) ang pakikibaka laban sa diktador na si dating UPLB Chancellor Wilfredo David noong 2005, nailuklok ang noon ay nagpoposturang maka-estudyante na si Cahncellor Luis Rey I. Velasco. Subalit iilang buwan pa lamang nang ito ay maupo, ay sinimulan na ni Velasco ang panunupil sa hanay ng mga mag-aaral, guro, kawani at iba pang sector sa komunidad ng UPLB.
Marso 2006 Hindi niluklok ni Velasco ang nanguna sa UPLB Perspective Editor-In-Chief (EIC) examination na si Christian Ray Buendia.

Abril 2006 Pinasara ng administrasyon ni Velasco ang University Food Service at sinimulang isapribado ang Student Union (SU) Building, na kalauna’y inilagay na sa pangangasiwa ng Business Affairs Office (BAO). Maraming kawani ang na-dislocate sa ibang opisina. Tumaas din ang presyo ng mga pagkaing mabibili sa SU, sapagkat hindi na ito subsidized.

Disyembre 2006 Si Cancellor Velasco ang masugid na tagapaglako ni UP President Emerlinda Roman ng komersyalisasyon sa UPLB, sa porma ng Tuition and other Fee Increase (TOFI). Sa kabila ng kawalan ng demokratikong konsultasyon at malawakang pagtutol sa iba’t-ibang sector ng pamantasan sa ilalim ng UPLB STOP TOFI, pinapalabas ni Velasco na pumapayag ang komunidad sa TOFI.

Pebrero 2007 Sinimulan ng administrasyon ni Velasco ang pagpapanukala ng Large Class Policy, na hinarap ng pagtutol sa hanay ng kaguruan at mag-aaral. Mula noon ay pinanatili ni Velasco ang kawalan ng konsultasyon habang pinapatupad ang nasabing polisiya.

Hunyo 2007 Sa diwa ng pagkokomersyalisa at planong eko-tursimo sa UPLB, ipinagbawal na ni Chancellor Velasco ang mga ambulant vendors. Pinagbibintangan na ang presensya ng mga manininda ang dahilan ng pagtaas sa kaso ng nakawan, sa kabila ng hindi ito napapatunayan. Isa pang dahilan ng administrasyon ay masakit daw sa mata ng mga turista ang mga manininda. Hindi pinanghahawakan ni Chancellor Velasco ang mga kaisahan sa mga dayalogo at pinapahuli pa din ang mga nasabing manininda. Nawalan ng hanapbuhay ang mga manininda na nagsimula pang magbenta noong 1970’s at sa kasalukuyan sila ay namumulot na lamang ng basura.

Hulyo 2007 Inantala ni Chancellor Velasco ang pagluluklok sa EIC ng UPLB Perspective sa pamamagitan ng pag-aantala sa pagbuo ng EIC examination committee.

Agosto 2007 Bilang parte ng planong eko-turismo at sa kabila ng kawalan ng konsultasyon, binago ang ruta ng pampublikong mga sasakyan. Nagbunga ito ng 200-300 piso na kabawasan sa kita ng mga drayber. May mga drayber na ang napilitang ibenta ang kanilang mga jeep dahil hindi na kumikita. Sinalubong ito ng pagtutol sa hanay ng mga mag-aaral at drayber.

Pebrero 2008 Unang tinangka ni Velasco na ipailalim sa BAO ang FebFair upang ikomersyalisa at pagkakitaan. Hindi pinirmahan ang memorandum of understanding ng USC, pinabago ang lay-out ng field at inantala ang pagkakabit ng kuryente. Kauna-unahang pagkakataon na nanghingi ng Financial Report ng FebFair si Chancellor Velasco, kahit na wala ito sa kanyang saklaw sapgkat autonomus ang USC. Naging tuntungan ito sa mga sumunod na panggigipit sa Febfair.

Marso 2008 Pinagbawal ni Chancellor Velasco ang pagpasok ni Jun Lozada sa pamantasan. Sa pakikipag-usap sa kanya ng noong konseho ay namababato ng papel si Velasco at nagbabanta sa mga myembro ng USC na “you will face consequences” (habang nanduduro). Pinagbawal din nito ang pagpasok ng ibang sector katulad ng manggagagwa, magsasaka at maralita sa mismong aktibidad. Gayundin, ang pagrarally ay pinagbawal din ni Chancellor Velasco at nais pa nitong panghimasukan ang prgorama at isama ang kinatawan ng Malacanang.

Marso 2008 Kinasuhan sa Student Disciplinary Tribunal (SDT) ang noon ay USC Vice-Chairperson na si Charisse Bernadine Banez ng administrasyon ni Chancellor Velasco sa pangununa ng mga Colleg Secretaries.

Marso-Setymebre Inantala ni Velasco ang USC-CSC elections dahil sa pagkwestyon sa ligalidad ng
2008 konstitusyon ng konseho. Dahil natatalo sa debate ang mga argumento ni Chancellor Velasco, personal na itong nang-aatake sa mga lider-estudyante, pinagsabihan sa cellphone ang noon ay USC Chairperson na si XL Fuentes na “nakakalalake ka na!”.

Oktubre 2008 Tinangkang ipagbawal ni Cancellor Velasco ang pagpasok ng martsa ng mga magsasaka ng timog katagalugan. Sa katunayan ay pinagbantaan ng administrasyon sa pamamagitan ni Dr. Elpidio Agbisit sina Charisse Banez at XL Fuentes na kung itutuloy ang pagiit na papasukin ang mga magsasaka ay gigipitin ang graduation ng dalawang estudyante.

Pebrero 2009 Tinangkang muli ng admin na ikomersyalisa ang Febfair. Ginipit ang USC sa usapin ng Fair at ginagamit ang usaping teknikal upang makapanlito sa hanay n mga mag-aaral. Inantala ang pagkakabit ng kuryente at iba pang mga panggigipit sa hanay ng USC.

Upang gawing sistematiko ang panunupil sa pamantasan, itinalag ni Chancellor Velasco si Col. Viavian Gonzales mula sa Armed Forces of the Philippines bilang OSA director. Sa kasalukuyan si Col. Gonzales ang nagpapatupad ng mga anti-estudyanteng polisiya sa pamantasan katulad ng OSA memorandum #1, pagkakaso at pagsuspindi sa mga lider-estudyante. Hinahayaan lang din ni Cancellor Velasco ang pagpasok ng mga military sa pamantasan.

Mayo 2009 Hindi kinulekta ng administrasyon ni Chancellor Velasco ang Student Fund sa pamamagitan ng Memorandum ni Col. Gonzales.

Mayo 2009 Hindi muli iniluklok ni Cancellor Velasco ang nanguna sa EIC exam ng UPLB Perspective.

June 2009 Ipinagbawal ng administrasyon ni Velasco ang paglulunsad ng tradisunal na ALMUSALAN para sa mga bagong Iskolar ng Bayan.

Agosto-kasalukuyan Hindi pinapakinggan ni Cancellor Velasco ang panawagan ng mga iskolar ng
2009 bayan na patalsikin si Col Gonzales at magkaroon ng re-orientation ng OSA tungo sa isang demokratikong tanggapan.

Enero 2010 Naglabas ng memorandum para sa Full-Implementation sa Lare Class Policy, sa kabila ng kawalan ng konsultsayon at malawakang pagtutol.

Pebrero 2010 Ginpit na naman ang FebFair at muling tinangkang pigilan, ikomersyalisa sa pamamagitan ng BAo. Ginamitan din ni Velasco ng taktikang panghahati ang hanay ng estudyante ng pinili lamang nito ang bibigyan ng kuryente. Matindi rin ang inawag pananakot ng administrasyon sa USC at sukdulang binigyan sila ng administrasyon sa pamamagitan ng OSA ng preventive suspension. Tinatakot ang mga sponsor na kakasuhan at iba pang intriga.

Sa hanay ng kaguruan naging tampok ang pagkiling ni Chancellor Velasco sa iilan sa pamamagitan ng mga arbitraryong pamantayan sa renewal.

Ginagamit din ng adminsitrasyon ang taktikang pangmamanman sa mga lider-estudyante sa tuwing mobilisasyon. Mula ng nagkaroon ng Community Service Brigade(CSB) sa pamantasan, wla ng pagkakataon na hindi sila nagmamanman sa mga rally, kumukuha ng larawan at nagmamanman sa mga kilalang lider-aktibista.

Hindi rin talaga prayoridad ni Velasco ang pagpapaunlad sa pag-aaral sa pamantasan, tampok ang kanyang plano ng pagkomersyalisa, paglalagay ng mga parke, banga, at iba pang wala naming direktang kinalaman sa instruksyon

Note:
Ito ay iilan pa lamang sa mga kasalanan ni Chancellor Velasco sa kilusang kabataang-estudyante at sa mamamayng Pilipino.

Originally posted here: http://www.facebook.com/notes/leo-ysulat-fuentes/mga-kasalanan-ni-chancellor-luis-rey-velasco/423993693153

Posted in: Student Regent, UPLB