TANAGA: 4 X 7 (Para sa Calamba 7) ni Tilde Acuña

Posted on June 20, 2011

0


ni Tilde Acuña

pito [i]

Maingay daw ang pito

at masakit sa tainga.

Ngunit nang makumpiska,

dumami ang sumipol.

pito [ii]

‘Ka-sandaa’t limampung

kaarawan ni pepe

nang hulihin ang pitong

tulad niyang ‘subersibo.’

pito [iii]

Ba’t kailangang huminto

pag lespu ang pumito?

Sa laki kasi ng t’yan,

hasel pa yang habulan.

pito [iv]

Nagpipighating sining,

pitong pantig per linya,

handog para sa mga

bilanggo sa Calamba.

Originally published here: http://www.facebook.com/notes/tilde-acu%C3%B1a/dalawang-tanaga/10150210626834135

Advertisements