NAKNAK SA SUGAT NG BUDGET CUT

Posted on September 9, 2011

0


G. Felix Parinas

National President

All UP Workers Union

Kahapon ay dumalo ako sa hearing ng paglalaan ng BUDGET para sa state universties and colleges sa HOR. Nakapanlulumo ang kalagayan ng ating mga state university. Ang ilan ay buhat nang itinatag at hanggang sa kasalukuyan ay walang idinagdag na bagong ITEM o posistion para tapatan ang lumalaking bilang ng mga enrollees.

Ang isa pang mapait na katotohanan ay marami sa mga FACULTY ay “permanent part-time,” na ang ibig sabihin ay walang tenure na mas pinalala pa ng ibayong pagsasamantala sa usapin ng pagkakait ng mga BENIPISYO tulad ng 13th month bonus, GSIS at iba pa, na dapat ay tinatanggap ng isang empleyado. Ito ay dahil sa ang kanilang APPOINTMENT ay “NO EMPLOYEE-EMPLOYER RELATION SHIP.”

Sa pagpapatuloy ng hearing ay atin ding napag-alaman, batay sa ulat ng Presidente ng FASUC (Faculty Association of State Universities and Colleges), na ang napipintong pagbawi ng mga unfilled item o PS ay tuwirang makakapinsala sa opersayon ng ating mga SUCs, sapagkat dito kinukuha ang pinapasuweldo sa mga faculty at staff na may kategoryang “non-government.” Dito rin kinukuha ang honorarium at iba pa. At kung magaganap ang pagbawi ng unfilled item (PS) ay hindi malayong magbawas na lang kami ng mga ESTUDYANTENG tatangapin.

Lumilitaw batay sa ating mga narinig na ang mga unfilled posistion na nabangit ay actually hindi unfilled sa usapin na ginagamit ito para punuan ang pangangailangan ng ating SUCs, at dahil itinutulak ng kawalan ng suporta ng gobyerno sa edukasyon. Ang ating mga administrador sa SUCs ay nagiging kasangkapan pa ng PAMBUBUSABOS sa ating mga kasamang faculty at kawani.

Originally posted here: http://www.facebook.com/groups/164903106863909/doc/261212543899631/