10 DAYS SRP (Service Recognition Pay), IPATUPAD NA!

Posted on January 21, 2012

0


Larawang kuha ni Jun Madrid (UPSIO).  All UP Workers' Assembly, January 16, 2012, Quezon Hall, UP Diliman. Photo taken from: http://a7.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/383157_327271823962385_125780737444829_1105802_867826110_n.jpg

ni G. Felix Parinas

National President, All UP Workers Union

 

Taong 2007 ng ipatupad ang 10 days additional sick leave sa mga faculty, at taon 2008 ng ang mga kawani ay humiling ng kaperahas na benipisyo. Subalit sa halip na tugunan ang ating panawagan at tignan naman ang ating kalagayan ay isang sampal sa mga kawani ang kanilang itunugon . Karagdagan pang limang araw (5days addtional) ang kanilang ikiginawad sa mga faculty . Tuluyang nalantad ang anyo ng DISKRIMINASYON ng pamunuan na noon ay sa ilalim ng emperyong Roman.Ngunit hindi tayo tumigil sa patuloy na pagiit ng kaperahas na benepisyo. Nagsagawa tayo ng signature campaign  at iba pang anyo ng kampanya  na nauwi lamang sa pag Kwestyon ng legalidad nito at ikumpara ang katangian ng gawain ng faculty sa gawain ng kawani. Tunay na ang himig ng pagmamaliit sa atin bilang mga kawani ay mistulang RETORIKA ng nota ng halos lahat ng kanyang administrador.

April 1, 2011. Dahil na rin papaigting na laban ng ating union kasama ang ang noon ay staff regent Cludualdo Cabrera ay na-approve in principle ang ating minmithing 10 days service rcognition pay. Marami ang nagbunyi lalo na ang mga malapit ng magsipagretero,.Puspos ng pag-asa ng mga samo’t saring plano para sa natitra pang yugto ng buhay.

Taong 2011 ng balangkasin ang IRR (implementing rules and regulation, at projection ng tantos ng gugulin) para dito.

Larawang kuha ni Jun Madrid (UPSIO). All UP Workers' Assembly, January 16, 2012, Quezon Hall, UP Diliman. Photo taken from: http://a7.sphotos.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash4/383157_327271823962385_125780737444829_1105802_867826110_n.jpg

Lumipas ang taon ng 2011. at ngayon nga ay 2012 na ,marami na sa mga kasamang kawani ay nagsipagretero na , at ang iba pumanw na nga ng hindi na nakakapagretero. Sa mga ganitong kalagayan NANAISIN pa ba natin na muli itong mabinbin?. NANAISIN pa ba natin na magsawalang bahala at ipaubaya kung kailan nila gustong ipatupad?. NANAISIN ba natin na patuloy na umiral ang DISKRIMINASYON?. Kung ang iyong sagot ay” HINDI !! Hinahamon ko kayo ,ikaw na kawani, ikaw na reps, ikaw na faculty, ikaw na supervisor,ikaw na foreman, ikaw na A.O na lumabas at magpalabas sa mga serye ng pagkilos. Mninidigan at maging bahagi ng pagpupuyaging ito.

 

Ang lathala ay orihinal na nailimbag sa http://www.facebook.com/note.php?note_id=10150464850761275